Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, April 3, 2025 · 799,951,639 Articles · 3+ Million Readers

Senator Win Gatchalian is seeking more active intervention from parents and schools to curb school violence

PHILIPPINES, April 3 - Press Release
April 3, 2025

Senator Win Gatchalian is seeking more active intervention from parents and schools to curb school violence

Gatchalian's call follows a stabbing incident in a public school in ParaƱaque, which resulted in the death of a Grade 8 learner. The senator previously flagged stabbing incidents in Pasig and Iloilo last February involving minors. He also emphasized that local government units (LGUs) must work with schools to prevent learners' involvement in violent incidents.

The lawmaker emphasized the important role of parents and schools in enforcing discipline among their children. While Republic Act No. 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 exempts children aged 15 and below from criminal liability, the Civil Code provides that parents may face civil liability if they fail to exercise due diligence to prevent damages by their children.

The Family Code, on the other hand, recognizes that schools, teachers, and administrators have special parental authority and responsibility while children are under their supervision, instruction, or custody. Gatchalian pointed out that under the Family Code, schools, teachers, and administrators may face civil liability for damages caused by learners while under their supervision.

"Nakakalungkot at nakakabahala na nagiging mas madalas ang mga insidente ng karahasan sa ating mga paaralan. Kailangan nating magtulungan kasama ng ating mga magulang at mga guro lalo na't tungkulin nila ang paggabay at pagtuturo ng disiplina sa ating mga mag-aaral," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.


Paalala ni Gatchalian: Mga Magulang at Guro Maaaring Managot sa Kilos ng mga Mag-aaral

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas aktibong pakikilahok ng mga magulang at mga guro o mga paaralan upang masugpo ang karahasang kinasasangkutan ng mga mag-aaral.

Kasunod ito ng insidente kung saan sinaksak at napatay ang isang Grade 8 student sa isang pampublikong paaralan sa ParaƱaque. Matatandaang pinuna rin ni Gatchalian noong Pebrero ang mga insidente ng saksakan sa Pasig at Iloilo, kung saan mga mag-aaral din ang sangkot. Ayon pa sa mambabatas, kailangang makipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan sa mga paaralan upang masugpo ang mga insidente ng karahasan.

Binigyang diin ng mambabatas ang mahalagang papel ng mga magulang at mga paaralan sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Bagama't exempt ang mga batang 15 taong gulang pababa sa criminal liability sa ilalim ng Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act, nakasaad sa Civil Code na maaaring magkaroon ng civil liability o pananagutan ang mga magulang kung mapapatunayang sila ay nagpabaya o hindi nagsagawa ng due diligence upang mapigilan ang mga pinsalang dulot ng kanilang mga anak.

Kinikilala naman ng Family Code na may special parental authority at responsibility ang mga paaralan, mga guro, at mga administrator habang ang mga bata ay nasa ilalim ng kanilang supervision, instruction, o kustodiya. Binigyang diin ni Gatchalian na sa ilalim ng Family Code, maaaring magkaroon ng civil liability ang mga paaralan, mga guro, at mga administrator para sa mga pinsalang dulot ng mga mag-aaral habang nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

"Nakakalungkot at nakakabahala na nagiging mas madalas ang mga insidente ng karahasan sa ating mga paaralan. Kailangan nating magtulungan kasama ng ating mga magulang at mga guro lalo na't tungkulin nila ang paggabay at pagtuturo ng disiplina sa ating mga mag-aaral," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release