Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Saturday, June 29, 2024 · 723,898,935 Articles · 3+ Million Readers

Public hearing opening statement of Sen. Grace Poe

PHILIPPINES, June 26 - Press Release
June 26, 2024

PUBLIC HEARING OPENING STATEMENT OF SEN. GRACE POE
COMMITTEE ON WOMEN, CHILDREN, FAMILY RELATIONS AND GENDER EQUALITY
JUNE 26, 2024

Thank you, Madam Chair, first of all, magandang umaga sa inyong lahat. I would like to thank our chairperson, Senator Risa Hontiveros, for her firm and unwavering resolve to this fight to oust POGOs in the Philippines. It is true, we have seen more than enough. And this was started also by Sen. Sherwin Gatchalian in the Senate.

Kung inyong matatandaan, nang ibinahagi ko sa isang privilege speech ang tungkol sa mga POGO-related abductions noong 2022 pa, hindi pa uso noon ang mga raids. Ang meron lang tayo noon ay mga reports of kidnapping, accounts of assault, meron pa nga akong nakausap na personal na nag-report sa akin na siya ay na-abduct at sinaktan. Talagang sakit ng ulo itong mga POGOs, merong mga legal POGOs, pero ang problema ay pinapaupahan nila ang kanilang mga permits para magamit ng ibang operators.

And just as I said in that speech, "Leave it unresolved and it will spread like wildfire." Ganoon na nga ang nangyari. Sa loob lamang ng higit isang taon, ang illegal activities ng mga POGO ay naging full-blown operations sa loob ng "self-contained" compounds. Binaha tayo ng ebidensya sa kung gaano kabaluktot at kasalimuot ang tunay na mundo ng POGO.

Nakita natin sa loob ng POGO hubs ang mga complex ng mga prostitution dens na pinapaandar ng human trafficking. Nakita rin natin ang hile-hilerang computers at smartphones na naghihintay lamang ng susunod na biktima, at ang mga SIM cards at text blasters na para bang kinukutya pa tayo matapos nating maipasa ang SIM Registration Act.

Madam Chair, hindi na ako pupunta sa mga detalye sapagkat talagang very exhaustive ang iyong pag-iimbestiga dito. Nais ko lang sabihin na ipinalalabas nito na may korapsiyon at nanganganak ng korapsiyon at na sasama pa ang mga tao sa gobyerno dito. Merong mga pag-uusap ng national security risk pero huwag natin ilihis ang pag-uusap sa kung ano ba talaga ang nagagawa ng POGO kaya I reiterate my call together with our colleagues that have signed the resolution that has been proposed by Sen. Gatchalian, please we have to ban POGO's, i-ban na natin ang POGO dahil hindi natin sila kayang bantayan... Naipapakita natin na ang ating gobyerno ay nahihirapan dahil nga may mga protector sila pero kung may nagsabi na ban na ang POGO's, mas madali na natin matutunton pag may operation; hindi kayo puwede diyan, ganun lang kasimple 'yon.

Thank you, Madam Chair.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release